Osaka Information Service para sa mga Dayuhan


Libre! Kompidensiyal!
Para makapamuhay nang mapayapa ang mga dayuhan, ang “Osaka Information Service para sa mga Dayuhan” ay nagbibigay ng iba’t-ibang impormasyon, kasama rin ang impormasyon ukol sa pamumuhay, at tumatanggap ng konsultasyon sa maraming wika ( kasama ang wikang Hapon na may 11 wika).
Maaari mong direktang bisitahin ang aming opisina, o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono, tumawag sa LINE, o mag-Email.
Nag-aalok din kami ng mga propesyonal na konsultasyon sa mga Abugado, Administratibong Tagasulat, Klinikal na Sikolohiya, Osaka immigration officer at Osaka labor center staff, tungkol sa legal, resident status/visa, mental health, at mga isyu sa paggawa.
Available din ang mga konsultasyon sa zoom.
Para sa mga detalye, pakitingnan ang Kalendaryo ng Kaganapan.
Huwag mag-atubiling humingi ng impormasyon at payo!
Wika | Hapon, Ingles, Intsik, Koreyano, Portuges, Kastila, Biyetnamis, Filipino, Thai, Indonesian, Nepali. |
Araw at Oras | ◆ Lunes ー Biyernes 9:30am – 5:30pm (Hindi kasama ang mga pampublikong pista opisyal at 12/29-1/3 ) ◆ Ika-3 Huwebes・ika-4 na Biyernes 9:30am – 8:00pm (Hindi kasama ang mga pampublikong pista opisyal at 12/29-1/3. Kung plano mong pumunta pagkalipas ng 5:30pm, mangyaring magpareserba nang maaga.) ◆ Ika-3 Linggo ng buwan 9:30am – 5:30pm |
Maikokonsulta | Visa, Pagtra-trabaho, Pagpapagamot, Welfare, Edukasyon, at Pangkaraniwang pamumuhay |
Konsutalsyong Propesyonal | Konsultasyon ng Espesyalista na pribadong pang – Indibidwal Kailangan ng appointment ◆ Ika-3 Linggo at ika-4 na Biyernes Konsultasyon sa isang Administratibong Tagasulat , Klinikal na Sikolohiya, at meron din Abogado ◆ Ika-una Biyernes at ika-3 ng Huwebes Konsultasyon sa Trabaho ◆ Ika-2 na Biyernes ng buwan Konsultasyon Serbisyo Ahensya ng Imigrasyon *Para sa karagdagang impormasyon ng kaganapan kumpirmahin ang petsa ng Kalendaryo |
Lugar | Osaka Foundation of International Exchange(OFIX) Mydome Osaka 5th Floor, 2-5 Hommachibashi, Chuo-ku, Osaka Direksyon(PDF)、 Google Maps |
Telepono para sa Konsultasyon | 06-6941-2297![]() |
jouhou-c@ofix.or.jp *Hapon at Ingles lamang | |
Kaalamang Esensyal sa Pamumuhay sa Osaka
Gabay para sa pamumuhay ng dayuhan na nakatira sa Osaka.
Dalam 11 bahasa ( revisi pada 3 2024)
Mangyaring piliin ang wika ng gabay na nais mong tingnan.
