よくある生活質問集・Malimit na tinatanong at mga kasagutan

Imigrasyon

Q: Nakatira ako sa Japan. Nawala ko ang pasaporte ko. Anong gagawin ko?

A: Kapag nawala ng isang dayuhan ang pasaporte niya, kailangang gawin niya ang mga sumusunod.

  1. Pumuta sa pinakamalapit na estasyon ng pulis at i-report ang pagkawala. Kumuha ng certificate of theft o certificate of loss ng pasaporte.
  2. Kontakin ang embahada o konsulado ng sariling bansa at magpagawa ng bagong pasaporte (provisional passport/travel affidavit).

Q: Ano ang Resident Status? Anu-anong status meron?

A: Ang dayuhang binigyan ng permisong tumira sa Japan ay may kaniya-kaniyang aktibidad na pwede nilang gawin at ito itinatakda ng batas ng imigrasyon. May ilang kategoryo ito.
Listahan ng Status of Residence

Q: Pumunta ako sa Japan gamit ang Temporary Visitor na bisa. Pwede bang mag-extend ng period of stay para makapagtagal pa ako sa Japan?

A: Pangkaraniwan, na-eextend lang ang period of stay ng Temporary Visitor kung mayroon kayong natatanging dahilan at kailangang-kailangan ito.

Para sa mga detalye, tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan.

Q: Gusto kong magtrabaho sa Japan bilang language teacher. Ano ang dapat kong gawin?

A: Depende kung saan ka magtratrabaho, maiiba ang residence status.

  1. Ang status na “Professor” ay para sa mga mag-re-research o magtuturo sa isang unibersidad o mataas na paaralan.
  2. Ang status na “Instructor” ay para sa mga magtuturo ng wika o iba pa sa paaralang elementarya, junior high school, high school, eskwela para sa may espesyal na pangangailangan, o institusyon na kapareho ng mga ito.
  3. Ang status na “Engineer / Specialist in Humanities / International Services” ay para sa mga magtuturo ng wika sa isang language school na pinapatakbo ng isang kumpanya, o para sa mga magtuturo ng wika so loob ng kumpanya.

Para sa mga detalye, tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan.

Q: Pwede ba akong magpatuloy maghanap ng trabaho ang international student pagkatapos graduwasyon?

A: Kapag nagtapos ang isang international student at wala pa itong trabaho, pwede papalitan ang status niya sa “Designated Activities” at maipapagpatuloy ang paghahanap ng trabaho. Sa saligang susuportahan ka ng eskwelahan mo, pwedeng mong papalitan ang status sa “Designated Activities”at magpatuloy na maghanap ng trabaho sa loob ng isang taon sa pinakamahaba. Para sa mga detalye, tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan.

Q: Anong institusyong pang-edukasyon ang pwedeng pasukan para makakuha ng student visa?

A: Mga unibersidad, eskwelang bokasyonal, high school (kasama na ang junior high school), high school o junior high school ng eskwela para sa may espesyal na pangangailangan, elementarya, elementarya ng eskwela para sa may espesyal na pangangailangan, elementarya, advanced vocational school o kaparehong mga institusyon.

Q: Gusto kong magpakasal sa isang dayuhang babae sa abroad. Pagkatapos naming magpakasal sa bansa niya, gusto ko siyang papuntahin sa Japan at magsama kami.

A: Pagpapakasal: Magpakasal muna sa balidong pamamaraan sa abroad. May dalawang paraan para mapapunta sa Japan.

[ Paraan para Papuntahin sa Japan ]

  1. Advance Visa Application: Ang aplikante ay pupunta sa Japanese Embassy sa kaniyang bansa at mag-aplay ng “Spouse of Japanese National”.
  2. Certificate of Eligibility: Kapag nakauwi na ang asawang hapon sa Japan, pumunta siya sa pinakamalapit na immigration office at mag-aplay ng Certificate of Eligibility para sa asawa niyang biilang proxy niya. Kapag nakuha na ang Certificate of Eligibility, ipadala ito sa asawa at pag-aplayin siya ng bisa sa Japanese Embassy sa bansa niya.

Q: Nasa Japan ako bilang isang estudyante. Gusto kong papuntahin din dito ang asawa’t anak ko. Anong dapat kong gawin? Pwede rin bang magtrabaho ang asawa ko?

A: Ang estudyanteng magpapapunta sa pamilya ay dapat pumunta sa pinakamalapit na immigration office at mag-aplay ng Certificate of Eligibility ng “Dependent”.

Magtanong sa Immigration Office kung paano mag-aplay para sa “Dependent” Certificate of Eligibility.

Hindi pwedeng magtrabaho ang “Dependent” pero pag nakakuha ng “Permission to Engage in Activities Other Than Those Permitted by Current Status of Residence”pwede siyang mag-part-time job. (May limitasyon sa oras na pwedeng magtrabaho at sa klase ng trabaho.)

Q: Gusto kong papuntahin ang anak ko dito. Pangalawang kasal ko na ito at kasal ako sa hapon. Gusto kong makasama ang anak ko sa una kong kasal. 10 anyos siya.

A: Ang anak ng dayuhan na may status na “Spouse of Japanese National”, kung hindi siya anak ng asawang hapon ay maaaring manatili sa Japan bilang “Long Term Resident”.

Para sa mga detalye, tignan ang website ng Immigration Service Agency of Japan.

Q: Mag-asawa kaming dayuhan na nakatira sa Japan. Ipinanganak na ang anak namin. Anong dapat gawin?

A: Kung ang magulang ay parehon dayuhan, ang anak ay dayuhan rin at kailangang kumuha ng residential status. Ang pag-aplay ng residential status ay ginagawa sa immigration office sa loob ng 30 araw pagkatapos ipanganak ang bata. Kung lalabas ng Japan sa loob ng 60 na araw pagkatapos itong ipanganak (hindi kasama ang paglabas ng bansa gamit ang Re-entry Permit) hindi kailangan ng aplikasyon. Kung walang balidong visa ang magulang o ipinade-deport sila, hindi pwedeng kumuha ng residential status ang bata.

[ Pagbibigay-alam ng Panganganak ]
Ipagbiga alam ang panganganak sa munisipyo sa loob ng 14 na araw pagkatapos manganak. Kapag ipinagbigay-alam ito, bibigyan ang bata ng status na “overstaying by birth” at gagawan siya ng Certificate of Residence. (Kung hindi ka mag-aplay ng resident status ng bata, mawawala ang certificate of residence niya.)

[ Pagkuha ng Residential Status ]
Ang mga dokumentong kailangan para mag-aplay ng Residential Status ay ang. mga sumusunod.

  • Dokumentong nagpapakita ng panganganak (Birth Certificate, Mother and Child Health Handbook, etc.)
  • Dokumentong nagpapakita kung ano ang ginagawa mo sa Japan
  • Pasaporte (kung hindi maipapakita ang pasaporte, yung dahilan)

[ Residentce Card ]
Kapag nakakuha ng Resident Status at naging mid or long term resident, bibigyan ang bata ng Residentce Card.

Q: Meron akong status na long term, pero gusto kong umuwi sa bansa ko panandalian. Ano ang kailangan kong gawin?

A: Kung isang mid or long term resident ay lalabas ng Japan at balak bumalik gamit ang parehong residential status, may dalawang paraan depende sa tagal ng panahon na wala sa Japan.

Kung wala sa Japan ng kumulang na 1 taon:
Ang dayuhang may balidong Pasaporter at Residentce Card (Special Permanent Resident Card para sa Special Permanent Resident) kung lalabas sila ng Japan ng kumulang sa 1 taon (*kung kulang ng isang taon ang bisa, hanggang matapos ang bisa. Para sa Special Permanent Resident, hanggang 2 taon.) at babalik gamit ang parehong status, kakailanganin nila ng Special Re-entry. Sa sistemang ito, hindi pwedeng i-extend ang panahong pwedeng ilagi sa abroad kung nasa abroad pa sila. Kung hindi sila bumalik sa Japan sa loob ng 1 taon (*), mawawala ang kanilang residential status.

Kung lalampas ng 1 taon (2 taon para sa Special Permant Resident) sa Labas ng Japan:
Bago umalis, pwede kang kumuha ng “Re-entry Permit” sa pinakamalapit na Immigration Office.

Limitasyon:
Ang “Re-entry Permit” ay balido hanggang 5 taon lamang (6 na taon para sa Special Permanent Resident).

Q: Dumating ako sa Japan gamit ang Temporary Visa. Pwede ba akong makatanggap ng Residentce Card? Balak kong i-renew ang bisa ko at manatili ng mahigit sa tatlong buwan. Gusto ko ng Residence Card para sa ID ko.

A: Kung pumasok kayo sa Japan gamit ang “Temporary Visitor Visa”, hindi kayo maiisyuhan ng Residence Card kahit manatili kayo sa Japan nang tatlong buwan o higit pa pagkatapos ng renewal ng inyong bisa. Ang Residence Card ay ibinibigay lamang sa mga mid to long-term stay na dayuhan. Ang mga nakalista sa ibaba ay hindi makakatanggap ng Residence Card.

  1. Ang mga nakakuha ng resident status na hindi hihigit sa tatlong buwan.
  2. Ang mga nabigyan ng “Temporary Visitor” status.
  3. Ang mga nabigyan ng “Diplomat” o “Official” status.
  4. Ang mga taong nakasaad sa ordinansa ng Ministry of Justice na tulad ng mga dayuhan sa 1 – 3 sa itaas.
  5. Ang mga Special Permanent Resident. (Binibigyan sila ng Special Permanent Resident Certificate)
  6. Ang mga walang status of residence .

Q: Anong kailangan kong gawin bago ako lumipat sa ibang munisipyo o sa ibang bansa?

A: Magbigay muna ng “Notice of Moving Out” sa munisipyong tinitirhan ngayon. Pagkatapos mong lumipat sa bagong tirahan, magbigay ng “Notice of Moving In” sa loob ng 14 araw pagkatapos lumipat. Kailangan mo ang Residence Card or Special Permanent Resident Card mo at “Certificate of Moving Out”. Kung lilipat ka sa loob ng parehong siyudad, kailangan mo pa ring magreport sa munisipyo sa loob ng 14 na araw.

Kung lilipat ka sa abroad, kailangan mo pa ring magbigay ng “Notice of Moving Out”. Sa kasong ito, walang ibibigay sa iyo na “Certificate of Moving Out”. Kung babalik ka sa Japan gamit ang Re-entry Permit at may tirahan ka na, kailangan mong dalhin ang pasaporte at Residence Card mo at magreport ng pagipat mo.

Kung hindi mo ginawa ang kinakailangang proseso, maaaring maparusahan ka o mawala ang residential status mo.

Nasyonalidad·Pag-aasawa

Q: Gusto kong malaman kung paanong magpakasal ang isang Hapon at dayuhan sa Japan.

A:

[ Pamamaraan ng Kasal ]
Kung ikakasal ang isang Hapon at dayuhan sa Japan, susundan ang pamamaraan ng Japan.Kailangan ng Hapon ang Family Register, at ang dayuhan naman ay kailangan ang pasaporte at Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage. Depende kung saang bansa ang dayuhan maiiba ang kailangang dokumento. Magtanong sa tanggapan ng family register sa munisipyo.

[ Establishment ng Kasal ]
Kahit na legal na kasal ayon sa batas ng Japan, hindi ibig sabihin legal din ito sa bansa ng dayuhan.Sumangguni sa inyong embahada o Konsulado sa Japan.

[ Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage ]
Ang sertipiko na nagpapatunay ng iyong kakayahan para magpakasal ay isang kasulatan na nagpapatibay na mayroon kang lahat na legal na pangangailangan para kumontrata ng kasal ayon sa batas. Kadalasan ang dokumentong ito ay nakukuha sa embahada o Konsulado ng bansa sa Japan. Ang mga dokumentong nakasulat sa ibang wika ay kailangang isalin sa Nippongo. May mga bansang hindi nag-iisyu ng Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage. Kung gayon ay isumite ang dokumentong katumbas nito.

Q: Paanong magpakasal ang dalawang dayuhan sa Japan?

A:

[ Pamamaraan sa Japan ]
Kung magpakasal ang dalawang dayuhan sa Japan, ito ay susunod sa batas ng Japan at pwedeng irehistro ang kasal sa munisipyo kung saan sila nakatira. Kailangang parehong makuha ang Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage at isalin ito sa wikang Hapon. Kapag ang pagrerehistro ng inyong kasal ay natanggap na ng inyong munisipyo, kayo ay kasal na ayon sa batas ng Japan. Gayon pa man, makipagsangguni sa embahada o konsulado kung balido ang kasal sa inyong bansa.

[ Pamamaraan sa Bansa ng Ikakasal ]
Puwede ring magparehistro ng kasal sa pamamaraa ng tinukoy sa batas ng dalawang dayuhan na ikakasal o sa batas ng isa sa dalawang dayuhan na ikakasal. Kontakin ninyo muna ang embahada o konsulado na malapit sa inyong lugar bago puntahan dahil may ilang bansang hindi tumatanggap ng aplikasyon para sa pagpaparehistro ng kasal sa konsulado.

Q: Gusto kong malaman ang proseso ng pagpapakasal ng isang hapon sa isang dayuhan sa abroad.

A: Kung ikakasal ang isang hapon at dayuhan sa bansa ng kabiyak o sa ibang bansa, ang sumusunod na dalawang kaso ang posible.

[ Sistema ng bansa ng pakakasalan o sistema ng bansa kung saan ikakasal ]
Susundin ang sistema ng bansa kung saan igaganap ang kasal. Kailangang ibigay ng ikakasal ang mga dokumentong kakailanganin sa bansang yon.Kapag nakapagparehistro na ng kasal, kailangang magbigay ng marriage certificate sa isang government office ng Japan o ipadala sa munisipyong permanenteng tinitirahan. Kailangang gawin ito sa loob ng 3 buwan pagkatapos ikasal. Kung ang marriage certificate ay nasa ibang wika, kailangang i-translate ito sa hapon.

[ Sistema ng Japan ]
Ito ang pagpapadala ng kinakailangang dokumento sa munisipyong permanenteng tinitirhan. Ang mga dokumentong hihingin ay pareho sa dokumentong kailangan para magpakasal ang isang dayuhan sa hapon.

[ “Certificate of legal capacity to contract marriage” ng Hapon ]
Pwedeng ma–isyu ito ng Bureau of Legal Affairs ng lugar na tinitirhan mo o ng embahado o konsulado ng Japan sa ibang bansa base sa abstract ng family register.

Tignan ang HP ng Ministry of Justice Civil Affairs Bureau para sa detalye.

Q: Kung ang mag-asawang parehong dayuhan, pero iba-iba ang nasyonalidad, at matagal nang nakatira sa Japan ay magdidiborsyo, batas ng aling bansa ang susundin nila?

A:

[ Nauukol na Batas ]
Dahil walang batas ng bansa ang magkahawig, (1) ang batas ng bansang pareho nilang tinitirhan ang susundang batas. (2) Kung walang tirahan sa iisang bansa, ang batas ng malapit na bansa ang susundan. Sa kasong ito, kung napagtibayan na ang Japan ang karaniwan nilang tirahan, ang batas ng Japan ang susundan. Para makasigurado, magtanong sa sariling embahada o konsulado.

Q: Anong mangyayari sa residential status ng dayuhang nagdiborsyo?

A: Kung ang taong may status na “Dependent”, “Designated Activities”, “Spouse of Japanese National” o “Spouse of Permanent Resident”, kapag nag-diborsyo kayo o namatay ang asawa ninyo, kailangan ninyong ipaalam ito sa Immigration Office sa loob ng 14 na araw.

[ Diborsyo sa Hapon ]
Kapag diniborsyo ninyo ang asawa ninyong hapon, mawawala ang kwalipikasyon ninyo para sa “Spouse of Japanese National”. Ayon sa memo ng Immigration Office noong 1996, kung may inaalagaang anak na menor de edad mula sa hapon na asawa, pwedeng mabigyan ang dayuhan ng “Permanent Resident” status.

[ Diborsyo sa Dayuhan ]
Kung ang ididiborsyo ay Permanent Resident, mawawala ang kwalipikasyon mong maging “Spouse of Permanent Resident”. Kung working visa o student visa naman ang status ng asawa, mawawala ang kwalipikasyon mong maging “Dependent”.

Kung ang isang “Spouse of Japanese National” o “Spouse of Permanent Resident”ay hindi ginagawa ang ginagampanan ng isang dependent at walang sapat na rason para nito, matatanggal ang residential status niya.

Q: Nais ko na makipagdiborsyo sa aking asawa. Maaari ba akong tumanggap ng bayad pinsala at parte ng ari-arian.

A: Kung kayong mag asawa ay nakapagpasiya na sa inyong kondisyong pinansiyal, kinakailangang itala at isulat ang mga ito at ipanotariya sa isang notaryong pampubliko.

[ Nauukol na Batas ]
Kung hindi makapagpasiya, maaaring humanap ng legal na kasunduan at humingi ng sustento at pamamahagi ng ari-arian ayon sa batas ng Japan. Ito ang batas na pinaiiral sa paghihiwalay ng isang Hapones at isang dayuhan na naninirahan sa Japan. Ang halaga ng sustento ay batay sa tagal ng pagsasama ng mag asawa, dahilan ng paghihiwalay, kakayahang pinansyal ng asawa at iba pang bagay. Ang mga ari-arian na nakamtan bilang mag asawa ay maaaring hatiin ng pantay. Buhat noong Abril 1, 2007, benepisyo ng pension ng pagreretiro ay maaaring hatiin kapag ang mag asawa ay naghiwalay. Ang asawang walang kontribusyon sa pagbabayad ng pensyon ay may karapatang makatanggap ng kalahati ng benepisyo na kinita habang sila ay mag asawa pa.

Q: Ang asawa kong Hapon at ako ay nagkaroon ng anak sa Japan. Anong mangyayari sa nasyonalidad, rehistro ng panganganak, at apelyido niya?

A:

[ Nasyonalidad ]
Dalawa ang basehan ng nasyonalidad ng bata. Ito ay ang dugo at bansa ng kapanganakan. Ang nasyonalidad sa Japan ay nakukuha sa dugo. Kung ang nanay o tatay ay Hapon, ang anak ay magiging Hapon.Maaaring mag-doble ang nasyonalidad ng bata dahil sa isang magulang.

[ Pagrehistro ng Panganganak ]
Kapag ipinanganak sa Japan, kailangan iparehistro ito sa munisipyo sa loob ng labing apat na araw magmula sa araw ng kapanganakan.
Kung kukuha rin ng nasyonalidad ng dayuhang magulang, kailangan ding ipagbigay alam ang kapanganakan sa embahada o konsulado ng magulang sa Japan. Kapag naparehistro ang bata, magagawan siya ng certificate of residence.

[ Apelyido ]
Mamanahin ng bata ang apelyido ng iyong asawa dahil siya ay isasama sa “Kosekitohon” talaang pampamilya ng magulang na Hapones. May paraan din para magkaroon ng dayuhang apelyido ang iyong anak.

Q: Kung gustong mag-iwan ng huling habilin ang isang dayuhang nakatira sa Japan, paano niya dapat isulat ito? Batas ng aling bansa ang susundin niya?

A:

[ Porma ng Huling Habilin ]
Ang “Convention on the conflicts of laws relating to the form of testamentary dispositions” ay ipinasa noong 1961. Kasama rin ang Japan dito kung kaya’t natatag ang “Act on Governing Laws Relating to the Form of Testamentary Dispositions”. Ayon sa batas na ito, kung sumusunod sa anuman sa baba, ang porma ng huling bilin ay may bisa.

  1. Sa batas kung saan ginawa ang huling habilin
  2. Sa batas ng bansa ng namatay ayon sa kanyang nasyonalidad noong isinulat niya ang huling habilin o noong namatay siya
  3. Sa batas ng lugar na tinitirhan ng namatay noong isinulat ang huling habilin o noong namatay siya
  4. Sa batas ng lugar na pangkaraniwang tinitirhan ng namatay noong isinulat niya ang huling habilin o noong namatay siya
  5. Tungkol sa real estate, sa batas ng lugar kung nasaan ang real estate

Kung nakatira siya sa Japan, maaari siyang gumawa ng huling habilin ayon sa batas ng Japan na kung saan niya gagawin ito. Ang karaniwang huling habilin sa Japan ay “sulat-kamay na habilin (holographic will)”, “pina-notaryong habilin (notarial deed will)” at “secret will”. Ang pina-notaryong habilin ay ipapagawa sa notary public office.

Simula Hulyo 10, 2020, ipinatupad ang “Act on Safekeeping of Wills at the Legal Affairs Bureau, etc.”. Ito ay bagong systema na puwedeng magpatago sa Legal Affairs Bureau ng sulat-kamay na habilin (holographic will) na madalas itinatago sa sariling bahay. Dahil dito, maiiwasan ang pagkawala at panganib ng palsipikasyon ng huling habilin at hindi na kailangang ipa-probate sa korte (Family Court). At sa paraan nito, mas makakamura kumpara sa paggawa ng pina-notaryong habilin (notarial deed will).

Q: Matagal na ang pamilya naming na nakatira sa Japan at gusto naming maging Hapon. Pwede ba? Saan pwedeng magtanong at mag-aplay?

A: Ang dayuhan ay pwedeng maging hapon sa paraang naturalization. Ang mga kondisyones ay ang mga sumusunod, ayon sa Japanese Nationality Act.

[ Tirahan ]
Dapat nakatira sa Japan ng 5 taong sunud-sunod.

[ Abilidad ]
Dapat 20 anyos gulang o mas matanda na may abilidad ayon sa batas ng sariling bansa.

[ Asal ]
Magandang asal.

[ Kabuhayan ]
Dapat may kabuhayan sa pamamagitan ng kanyang sariling ari-arian o kakayahan, ng isang asawa o ibang kamag-anak na kasama.

[ Pagkawala ng Nasyonalidad ]
Kailangang walang nasyonalidad o talikuran ang kanyang nasyonalidad kapag naging hapon.

[ Pag-iisip ]
Hindi nagplano na sirain ang Konstitusyon ng Japan o ang gobyerno nito gamit ang lakas at hindi kasapi sa anumang grupong gumagawa nito.

(Pagpapagaan ng mga kondisyones)
Kung may relasyon sa isang hapon, halimbawa, isang dependent at ipinanganak siya sa Japan, mapapagaan ang mga kondisyones.

Kapag naaproba ang naturalization, gagawan ka ng bagong family register.

Pwedeng magkonsulta tungkol sa naturalization sa Legal Affairs Bureau.

Medikal·Welfare

Q: Gusto kong makapasok sa National Health Insurance. Puwede bang makapasok ang mga dayuhan?

A:

[ Ang mga kondisyon para sa NHI ]
Ang hindi kasama sa mga sumusunod:

  1. Mga sakop ng iba pang “Kouteki na Kenkou Hoken” (pampublikong programa sa health insurance.)
  2. Mga tumatanggap ng “Seikatsu Hogo” (suportang pinansyal) mula sa Welfare Program
  3. Hindi mamayang hapon (Artikulo 1 Seksyon 2 Pagpapatupad ng mga Regulasyon ukol sa National Health Insurance) na natugunan ang mga sumusunod na kondisyon:
  • Walang visa.
  • Mga walang resident register (ang mga dayuhang naninirahan sa Japan na may status na “Performing artists”, “technical intern”, “Family dependent”, o “Designated Activities” na napagkalooban ng tatlong buwan, pero maaring tumagal ng higit sa 3 na buwan base sa mga dokumento ay pwedeng makapasok sa NHI.
  • Ang taong may “Designated Activities” na status at ang layunin ng pagpunta sa Japan ay para magpagamot o tagapangalaga sa taong pumunta ng Japan sa parehas na layunin.
  • Ang mga taong pumunta sa Japan na galing sa mga bansang may bilateral na kasunduan ukol sa Social Security, kasama na rin ang medical insurance at may dala silang pruweba na may social security sila sa bansa nila.

Para naman sa mga taong diplomatiko o Opisyal na katayuan na mamamalagi sa Japan ng mahigit na 3 buwan, hindi nila kailangang magrehistro bilang residente pero maaring silang kumuha ng NHI.

Q: Mahal masyado ang National Health Insurance. Hindi ko mababayaran. Anong gagawin ko?

A: Kung hindi mo talaga kayang magbayad, pumunta kaagad sa National Health Insurance Counter ng inyong munisipalidad para makipagkonsulta. Pwede kayong humingi ng exemption o i-delay ang pagbabayad kung natatangi ang rason ninyo.

Q: Matagal na akong nakatira sa Japan. Kung umuwi ako bansa ko at magkasakit ako doon, masasakop pa rin ba ng National Health Insurance ang medical expenses ko?

A: Pwedeng kunin sa National Health Insurance ang binayad ninyo sa abroad. Pero hindi pwede ang mga sumusunod:

  1. Panggagamot na hindi tanggap sa Japan.
  2. Kung pumunta sa abroad para lang magpagamot.

Para sa detalye, pumunta lang sa National Health Insurance Counter ng inyong munisipalidad.

Q: Nagaalala na baka may HIV ako. Saan ako maaaring magpatinggin?

A: Pagkatapos maimpeksyon, kailangan ng 6 hanggang 8 linggo para magawa ang HIV Virus anitbodies na panimula ng AIDS. Magpatingin ka lang pagkatapos ng tatlong buwan mula sa araw na akala mong naimpeksyon ka. Maaari kang magpatinggin na hindi mo kinakailangang ibigay ang iyong pangalan at libre ito.
Maaari din magpatingin ng libre sa mga sumusunod ng lugar.

  • Osaka Medical Policy Division Infection Group: 06-6944-9156
  • chotCAST Smart Life Clinic: 06-4708-5035

Q: Meron yata akong depression. Gusto kong magpatingin sa isang psychologist.

A: Kung ang sikolohikal na balance ng pag-iisip ninyo ay sumasama dahil hindi kayo maka-adjust sa buhay sa Japan o ibang dahilan, pwede kayong magkonsulta sa mga sumusunod na institusyon.

Pwede ka ring maghanap ng lugar sa Osaka Prefecture’s Medical Information for Foreigners.

Q: May mga gamut na nabibili sa bansa ko na hindi nabibili sa Japan kung kaya’t balak kong magpabili doon. Meron ba akong kailangan pag-ingatan?

A: Kung magpapasok ka sa bansa ng gamut na gagamitin mo para sa sarili mo, kailangan ng ilang proseso. Para sa karagdagang kaalaman, tignan lang ang Ministry of Health, Labor and Welfare Kinki Regional Bureau of Health and Welfare: Magtanong sa 06-6942-2241.

Q: Anu-anong bansa ang may social security agreement sa Japan?

A: May social security agreement ang Japan sa ilang bansa para maiwasan ang dobleng pagbayad ng pensyon at para makuha ang kabuuang binayaran. Tignan lamang ang HP ng Ministry of Health, Labor and Welfare.

Q: Gusto kong magtrabaho kaya gusto kong ipasok ang anak ko sa nursery school.

A: Ang nursery ay isang child welfare facility na nasa pamamahala ng Ministry of Health, Labor and Welfare. Ito isang pasilidad na pwedeng iiwan ng magulang ang anak kung hindi ito maaalagaan ng magulang dahil siya ay magtratrabaho. Pwedeng i-iwan ang batang 0 anyos hanggang sa edad na bago pumasok ng elementarya. Mayroong dalawang klaseng nursery.

  1. Aprobadong Nursery Ito ay nursery na aprobado ng munisipyo dahil natupad nila ang mga kondisyon ng Child Welfare Law. Ang bayad ay depende sa sweldo ng magulang, ang lokasyon ng tirahan at gulang ng bata.
  2. Hindi Aprobadong Nursery Ito ang mga Baby hotel o day care center. Iba-iba ang bayad depende sa pasilldad.

Para makapasok sa lisensyadong nursery, kailangan ang rason ay hindi maaalagaan ang bat ng magulang dahil magtratrabaho siya. Mag-aplay lang sa munisipyo. Kung papasok sa hindi aprobadong nursery, mag-aplay lang sa pasilidad mismo.

Q: Ako ay isang ina na nadiborsyo at may pinapalaking anak sa Japan. Nahihirapan ako sa pamumuhay. Nangangailangan ako ng suportang pampinansyal.

A: Kung ikaw ay nadiborsyo at nagpapalaki sa anak ng isang Hapones, maaari kang manatili sa bansa bilang Long-term Resident. Kung ikaw ay nasa ganitong katayuan, maaari ka ring mag-apply ng mga pampublikong suporta mula sa maternal and child welfare.
Ilan sa mga ito ay:

  1. Child Allowance
    (Hindi lamang para sa mga Single-parent na pamilya)
    Maari ring makatanggap ang mga dayuhang residente kapag nakarehistro ito at nagpapalaki ng anak. May limitasyon depende sa suweldong natatanggap.
    Kumonsulta sa Child Allowance Section ng inyong City / Ward Office para makapagparehistro.
  2. Child Support Allowance
    Ipinagkakaloob sa mga nag iisang magulang o tagapagpatnubay na nagpapalaki ng bata hanggang sa pinakaunang 31 ng marso pagkatapos ng ika-labing walong kaarawan (o hanggang edad bente anyos para sa mga batang may kapansanan). Ang natatanggap na sahod ay isang batayan. Para sa detalye, tignan ang HP ng Osaka Prefecture Welfare Division.

Magaplay sa tanggapan ng Child Support Allowance sa munisipyo kung saan kayo nakatira.

Q: Maaari bang makatanggap ng livelihood protection ang dayuhan?

A: Ang mga dayuhan ay walang karapatang tumanggap ng “public assistance” dahil ayon sa batas ito ay para lamang sa mga mamamayan ng bansang Hapon, gayon man maaaring bigyan ng tulong ang naghihikahos na dayuhan kung pagpapasiyahan ng gobyerno at kung sila ay pumasa sa mga kondisyones. Magtanong sa Welfare Division kung saan kayo nakarehistro.

Trabaho

Q: Gustong magtrabaho ang isang dayuhan. Paano maghanap ng trabaho?

A: Pwedeng maghanap ng trabaho sa mga sumusunod na pampublikong institusyon.

★ Hello Work sa Osaka na may tagasalin sa ibang wika, Osaka Employment Service Center for Foreigners

  1. Osaka Employment Service Center for Foreigners
    16F, Hankyu Grand Bldg., 8-47, Umeda, Kita-ku, Osaka
    Tel: 06-7709-9465
  2. Hello Work Sakai
    59 Mikunigaoka-Miyukidori, Sakai-ku, Sakai-shi Opisina sa harap ng Sakai Higashi Station
    Tel: 072-238-8301

Q: Nag-tratrabaho ako bilang isang part-timer. Sinabi ko sa superior ko na gusto kong kumuha ng paid leave para maka-attend ng aktibidad sa eskwela ng anak ko. Ang sinabi nila sa akin ang part-timer ay hindi pwedeng mag-absent sa pamamagitan ng “paid leave”. Ganyan ba talaga ang sistema dito sa Japan?

A: Ang lahat ng trabahador (Regular Worker, Full Timer, Part-timer,Arubaito) ay may karapatang magbigyan ng paid leave ayon sa bilang ng pinasok nito. Ang paid leave ay kailangan ng empleyadong na ma- kompleto nyang mag-trabaho ng 6 na buwan. Sa 6 na buwan na pagtrabaho kailangan umabot na mahigit pa sa 80% nang bilang na pinasok para makakuha ng “paid leave”. Ang paraan ng pag gamit ng paid leave ay ayon sa status ng [bilang ng araw] at [oras] sa loob ng isang Linggo.At kung gusto mong gamitin ito may karapatang kang gamitin ito. Ang kailangan mo lang ay may sapat at maayos na dahilan, hindi pwede ang dahilan na [marami kang ginagawa] kaya mo gagamitin ang “paid leave”. O kaya naman pwede mong gamitin ang paid leave ayon sa pag-bago ng araw o oras kung meron ka kinakailangang dahilan kung bakit mo gagamitin ang paid leave na ito.

Q: Bigla akong sinabihan na babawasan ang suweldo ko sa susunod na buwan. Susunod lang ba ako?

A: Ayon sa mga Labor Kundisyon na Nakasaad sa Kontrata ng Employer ang basihan ng mga patakaran ng Empleyado sa pag-papasahod, araw ng bilang ng pasok sa trabaho at oras ay naka ayon sa Kontrata ng mga trabahador. At kung meron mang pag-babago sa kasunduan sa pagitan ng employer at ng mang-gagawa, maliban sa espesyal na kaso. Hindi basta-bastang bawasan ang sweldo batay sa kanilang sariling paghuhusga nang walang pahintulot ng mga mang-gagawa. Kailangang ipaliwanag ng mga empleyor nang makatuwiran at kumbinsihin ang mga manggagawa kung bakit kailangan nilang ibaba ang sweldo nito.

Q: Doon sa pinag-tratrabahuan ko hindi na ako sinasahuran. Ano po ba ang gagawain ko?

A: Ayun sa batas ng pag-papasahod, kung anuman nakatakda sweldo ng mang-gagawa sa pinasok sa bawat buwan ay kailangan sahuran nito sa nakatakdang araw ng sweldo. At kung mayroon pang sahod na hindi nababayaran maaaring komunsulta sa “Opisina ng Pamantayan sa Pamantayan sa Pag-tratrabaho or (Labor Standards Inspection Office)”. O kaya naman nalugi ang kumapanyang pinapasukan mo at hindi kapa sinasahuran pwede mo rin ito isangguni sa kanila.

Q: May kontrata akong magtrabaho sa isang kumpanya ng 1 taon, pero kinakailangan kong umalis ng trabaho bago matapos ang kontrata. Labag daw sa kontrata yon at binawasan nila ang sweldo ko. Hindi ko ito matanggap.

A: Kung ang kontrata sa trabaho ay may natitira pang-panahon, ayon sa bilang kontrata na pinirmahan mo, hindi ka maaaring mag-retiro sa kalagitnaan ng karera ng kontrata sa trabaho mo, kung meron kang hindi maiiwasang dahilan, na para mag-retiro sa taon ng kontrata mo. Kailangan mong ipaliwanag nang maayos ang sitwasyon at humingi ng pang-unawa sa iyong employer. Tungkol sa pag-ayos ng sweldo, dahil sa prinsipyo ng “no work, no pay”, walang sweldo na binabayaran sa panahon kung kailan hindi ka nagtratrabaho. Gayunpaman, itinatadhana ng Batas sa Pamantayan ng Labor na “hindi ka dapat mag-takda ng parusa para sa hindi pag-ganap sa isang kontrata, halaga ng kabayaran para sa mga pinsala”. Kung ang kontrata ay naglalaman ng mga salitang mga nabanggit sa una, ang kontrata mismo ay labag sa batas. Para sa detalye, maki-pagkonsulta sa Osaka Employment Service Center for Foreigners.

Q: Nagtratrabaho ako sa pabrika. 4 kaming mang-gagawa sa pamamahala ng aming team – leader na Hapon. Sinabihan ako ngayon ng team leader namin na tumigil na raw ako ng pag-pasok sa trabaho ko. Kailangan ko bang sumunod sa kaniya?

A: Ang mga pattern para sa pagtigil sa trabaho ay ang mga sumusunod: (1) Kapag kusang-loob na umalis ang trabahador (Pagbibitiw sa tungkulin), (2) Kapag sinabi ng employer na “Gusto ka ng huminto sa trabaho” (Rekomendasyon sa pagpapaalis o pagreretiro), at (3) kung tinanggal ka ng employer bilang disiplina (Pagtanggal sa Trabaho bilang Disiplina). Pag-isipan natin kung ano ang kaso mo

  • Kung palabirong sinabi ng superior mo na hwag ka ng pumasok sa trabaho, mababa ang posibilidad na opisyal ang desisyon ng employer sa sinabi nito pag-resign. Hindi mo kinakailangang sumunod dahil lamang sinabihan kang hwag ka ng mag-trabaho.
  • Kung sunud-sunod ang pagkakamali mo sa trabaho at sinabihan ka ng superior mo na hwag ka ng mag-trabaho, may posibilidad na sumusunod ka sa patakaran ng employer at sinabihan kang magbitiw ng trabaho. Sa ganitong kaso, kung mag-rekomenda sa empleyado na magbitiw ng trabaho bilang patakaran ng employer, ang tawag dito ay rekomendasyon lamang ito “Rekomendasyon na bumitiw sa Trahaho”. Ang rekomendasyon paghingi ng pagbitiw sa trabaho lamang. Nasa sa iyo kung papasok ka pa o hindi. Bilang patakaran, kung hindi sasang-ayon ang empleyado, hindi ka puwedeng tanggalin ng employer.
  • Kung sinabihan ka ng employer na bumitiw sa tungkulin dahil may nagawa kang malaking problema, maaari itong abiso ng “Pagtanggal bilang disiplina”. Kung nanakit ka ng tao sa trabaho o sa pribadong buhay mo tulad ng pang-abuso sa pananalita, pam-bubugbog o pag-harass na nagresulta sa pagbahid ng pangalan ng employer at nasira ito, maari kang paalisin ayon sa patakaran nito (Pagtanggal sa Tungkulin bilang Disiplina). Ang disiplina sa nagawang kasalanan ay naka-takda sa Panuntunan sa Trabaho. Ang tawag sa pag-papaalis ng employer sa empleyado ay Pagtanggal sa Tungkulin bilang Disiplina. Sa kasong ito, mahalaga na may maayos na pag-susuri at mga sapat na dahilan kung bakit umabot sa ganitong pag-papatanggal sa alituntunin na tinutukoy. Kung hindi ka kumbisido sa dahilan ng pag-papatanggalo pag-tanggal saiyo at hindi ka sumasang-ayon sa mga reklamo ng employer, dapat kang humingi ng pag-bawi o dapat bawiin ng pag-papatanggal saiyo ng employer.

Q: Nagtratrabaho ako bilang isang teknikal na trainee ng intern. Noong Enero, halos araw-araw akong nagtrabaho mula 9:00 hangang 8:00 ng gabi. Noong Pebrero, hindi ganoong ka-busy. Nagtrabaho ako mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 ng umaga at natapos nang 6:00 ng gabi. Subalit pareho ang suweldo ko para sa Enero at Pebrero. Hindi ba ako makakatanggap ng overtime pay?

A: Ayun sa batas na naka-takda mga patakan sa pamamahala ng employer ay may “Oras ng Pag-tratrabaho”. sa isang linggo may 40 oras at sa isang araw may 8 oras hindi bilang dito ang pahinga sa trabaho, at sa isang lingo dapat 4 na araw ang trabaho at kung papasok sa mahigit sa nasabing araw sa isang lingo pwedeng magbiyan ng yan karagdagang sahod ito ay “Legalidad ng Oras ng Pag-tratrabaho”. Kung magtratrabaho nang lampas sa oras na ito, sa regular na oras ng pagtratrabaho, puwede kang tumanggap ng dagdag na sahod (overtime pay). Gayundin, ang employer ay dapat mag-bigay sa empleyado ng 1 araw sa isang linggo o 4 na araw sa isang buwan na “Legal na Bakasyon”. Puwede ring makatanggap ng karagdagang suweldo kung magtratrabaho sa mga araw na ito. Ang minimum rate ng karagdagang suweldo ay itinakda ng batas. Pareho ito kahit sa technical trainee intern. Subalit hindi nasasakop ang mga industriyang agrikultura, livestock at fisheries sa mga regulasyong ito, kaya mag-ingat o suriin ng mabuti.

Q: Isang empleyadong dayuhan ang sine-sexual harassment. Ang kanyang boss na hapon ay sinasabihan siya ng malalaswang salita at sumasama ang pakiramdam niya. Paano ito maaayos?

A: Ayon sa Artikulo 11 ng Law for Equal Employment Opportunity of Men and Women, kailangan ng management maglagay ng mga measures para hindi madehado ang manggagawa sa pagsagot sa anumang sexual na pang-uugali o para hindi sumama ang work environment nang dahil sa sexual na pang-uugali. Pwedeng makiusap ang tumatanggap ng sexual harassment sa management na gumawa ng hakbang para maayos ito. Kung mayroong union, maganda ring magkonsulta doon. Sa Osaka General Labor Office may telepono na pwede mong tawagan para magkonsulta tungkol sa sexual harassment. (06-6946-2601 Telepono para sa Sexual Harassment Consultation)

Q: Nawalan ako ng pagkakakitaan dahil bumagsak ang pinapasukan kong kompanya. Maaari kaya akong makatanggap ng tulong sa pagkawala ko ng trabaho?

A: Ang “Employment Insurance” ay ibinibigay sa loob ng isang takdang panahon sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa bumagsak ang kompanya, natanggal sa trabaho, sapilitang pinagretiro o mga dahilang personal habang sila ay naghahanap ng trabaho pero gusto pa ring magtrabaho para hindi maabala ang pamumuhay nila habang naghahanap ng trabaho. Kung ikaw ay nakapagtra-trabaho ng labing-isang araw or mahigit sa isang buwan sa total na anim na buwan sa loob ng taon bago nawalan ng trabaho, nararapat kang makatanggap ng tulong. Para humiling ng benepisyo sa pagkawalan ng trabaho, kailangan magpunta sa tanggapan ng “Hello Work” na malapit sa inyong tirahan.

Q: Nag-aarubaito ako. Puwede kaya akong maging miyembro ng panlipunang seguro (social insurance)?

A: Para maging miyembro ng panlipunang seguro (social insurance) ang nag-aarubaito at nag-papartime job, kailangang matugunan ang mga sumusunod na kondisyon.

  1. Ang regular na oras ng trabaho sa isang linggo at regular na araw ng trabaho sa isang buwan ay dapat three-fourths o higit pa ng regular na empleyado na may kaparehong tungkulin sa parehong kumpanya.
  2. Matutugunan ang lahat ng mga sumusunod na “Mga kinakailangan sa mga part-time na manggagawa” kahit hindi matugunan ang 1. na nabanggit sa itaas.
  • 20 oras o higit pa ang regular na oras ng trabaho sa isang linggo.
  • Ang pagtagal sa serbisyo ay isang taon o higit pa, o inaasahang umabot ng isang taon.
  • Buwanang sahod na 88,000 yen o higit pa.
  • Hindi isang estudyante.
  • Nagtatrabaho sa isang kumpanya na may 501 o higit pang empleyado.

Q: Nagkasakit ako at hindi ako nakakapasok sa trabaho. Mahirap mamuhay dahil wala akong natatanggap na sahod habang nawawalan ako ng trabaho.

A: Kung hindi makapasok sa trabaho dahil sa pagpapagaling ng sakit o sugat na nakuha sa panahon ng di-oras ng trabaho, ang “Injury and Sickness Allowance” mula sa health insurance ang matatanggap ninyo. Ang sakop nitong allowance ay mula sa pang-4 na araw na hindi makapasok sa trabaho dahil sa pagpapagaling ng sakit o sugat pagkatapos ng 3 magkasunod na araw na absent (mula sa 1 hanggang 3 araw at ang tawag dito ay “Panahon ng Paghihintay (Waiting Period)”. Kasama dito sa Panahon ng Paghihintay ang May-Bayad na Bakasyon (Paid Leave) at mga pampublikong bakasyon tulad ng Sabado, Linggo at iba pang holidays. Ang pinakamababang halaga ng matatanggap ay “two-thirds ng halagang matatanggap sa isang araw ng Injury and Sickness Allowance”.

Formula sa pagkukuwenta ng pinakamababang halaga ng matatanggap: [Average ng Standard Monthly Remuneration Amount (nakatakda sa Health Insurance Act) ng nakaraang 12 buwan bago masakop nitong allowance] ÷ 30(days) x 2/3

Aksidente problema

Q: Naospital ako dahil sa isang aksidenteng trapiko. Anong klaseng kompensasyon ang maaari kong makuha?

A: Ang kabayaran sa kapansanan ay kinukuha sa automobile liability insurance (mandatory vehicle liability insurance) o voluntary insurance ng nakabangga sa iyo. Magagamit lang ang mandatory vehicle liability insurance kung may napinsala o namatay dahil sa aksidente. Ang halaga ay may limitasyon (halimbawa, kung may malaking kaso sa napinsala: 1.2 milyong yen kada isang biktima) kaya kung may kulang na babayaran, ito ay magmumula sa voluntary insurance.

Kung ikaw ay naaksidente at di mo alam kung sino ang bumangga sa iyo o walang insurance yung nakabangga, maaari kang makatanggap ng kompensasyon galing sa programa ng gobyerno na halos kapareho ang halaga ng mandatory vehicle liability insurance. Kung mayroon kang hindi alam at mga bagay na dapat malaman sa pag-asikaso ng insurance para sa pinansyal na suporta na gamitin ng insurance company, Magkonsulta sa traffic accident consultation desk. Sa wikang Hapon lang pwedeng makipag ugnayan dito. Kayat kung maaari mag-sama kayo ng interpreter.

At kung nangangailangan ka ng Abogado sa aksidente na nangyari saiyo na pwedeng humawak sa kaso ng aksidente pang-trapiko, sumangguni sa Asusasyon ng Osaka Legal Attorney. Merong libreng translator para sa mga dayuhan upang matulungan ka sa iyong konsultayon.

Para sa detalye tungkol sa legal consultation para sa dayuhan, tignan lamang ang link sa ibaba.

  1. Konsultasyon para sa aksidente ng mga behikulo ng Asosayon ng mga abogado
  2. Legal Consultation para sa Dayuhan ng Osaka Bar Association
  3. Konsultasyon para sa paghingi ng insurance
  4. Japan Center for Settlement of Traffic Disputes

Q: Naaksidente ako sa bisikleta at may nasaktan. Anu-ano ang mga responsibilidad ko dito?

A: Theo luật giao thông đường bộ xe đạp là một phương tiện di chuyển. Gây ra tai nạn bằng xe đạp cũng cần thiết phải trình báo với cảnh sát.

Trong trường hợp gây ra tai nạn làm đối phương bị thương hoặc hư hỏng đồ vật thì phải chịu trách nhiệm bồi thường tổn thất dân sự. Ngoài ra tùy thuộc vào mức độ sai phạm mà phải chịu trách nhiệm hình sự hay không. Cần phải chuẩn bị cho trường hợp bị yêu cầu về trách nhiệm đền bù tổn thất như chi phí điều trị, bồi thường do nghỉ làm việc, chi phí cho sự thông cảm bỏ qua. Tại Phủ Osaka quy định về bổn phận trách nhiệm của người tham gia Bảo hiểm xe đạp.

Q: Noong bumili ako ng bisikleta,hinihikayat ako ng tindahan na i-rehistro ang bisikleta ko. Kailangan ba ito?

A: Sa “Batas sa Pagpapalawak ng Ligtas na Paggamit ng mga Bisikleta at Komprehensibong Pagpapalawak ng Mga Paraang sa Pagparada ng mga Bisikleta” nakasulat na sinumang gumagamit ng bisikleta ay dapat i-rehistro ang bisikletang ginagamit. Ang mga nagbebenta ng bisikleta ay dapat rin magsikap na manghikayat na i-rehistro ang bisikleta. Upang maiwasan ang pagnanakaw sa bisikleta o mabilis na mahanap ang bisikletang nanakaw.

Ang pag-rehistro ay magagamit rin kapag gusto mong bawiin ang bisikleta mong pinarada mo sa hindi dapat na paradahan dahil kinuha ito ng munisipalidad.

Q: Ang asawa kong dayuhan ay inaresto dahil sa pananakit ng tao. Maaari ko ba siyang dalawin? Papaanong gagawin ang imbestigasyon?

A: Kung siya ay inaresto, ikukulong siya ng pulisya nang hanggang 72 oras.Kung ang pagkulong sa kaniya ay naaprubahan, maaari siyang ikulong nang hanggang dalawangpung araw. Sa loob ng oras na yon, magpapasya ang prosecutor kung magsasampa ng kaso laban sa kaniya o hindi. Mag-iimbistiga din ang pulis at prosecutor at gagawa ng tala ng mga pahayag. Kapag napag-desisyunan na magsasampa ng kaso laban sa kaniya, nakakulong lang siya hanggang sa mag-umpisa ang paglilitis. Maliban lamang kung ang nakakulong ay pinagbabawalang tumanggap ng bisita, puwedeng bumisita ang ibang tao bukod sa abogado. Subalit maaaring may takdang oras ang inyong pag-uusap at mayroon ding bantay.

[ On-Duty Lawyer System ]
Sa kaso na inaresto at ikinulong ng pulisya ng Prepektura ng Osaka ngunit hindi pa nasasampahan kaso, batay sa kahilingan ng suspek, magpapadala ng abogado na walang bayad, 1 beses lamang. Ipaliliwanag ng abogado ang mangyayari pagkatapos ng pag-aresto, ang kanyang mga karapatan bilang isang napaghihinalaan at puwedeng pakiusapang tawagan ang kanyang pamilya. Maaaring magpatawag ng on-duty na abogado ang pamilya at kaibigan ng taong napaghihinalaan.

Q: Sinabihan ako ng isang pampulikong institusyon ng ibang bansa na kailangan ko ng police clearance. Saan ko makukuha ito?

A: Ang tawag dito ay “Travel Certificate” o “Certificate of Criminal Record”. Kung nakarehistro ka sa Prepektura ng Osaka o kung rehistrado ka sa ibang bansa ngayon, pero ang huling lugar na rehistrado ka bilang residente ay sa Prepektura ng Osaka, puwede kayong mag-aplay sa Forensics Division Overseas Travel Section ng Police Headquarters ng Prepektura ng Osaka (06-6943-1234) Libre ito. Kailangan ng dokumento (Listahan ng mga hinihingi ng pampublikong opisina) na nagpapakitang kailangan ang certificate na ito at pasaporte mo. Siguraduhing dala ang lahat na papeles bago mag-aplay.Hindi puwedeng proxy ang mag-aplay.

Q: Paano humingi ng tulong para sa dayuhang babae na may problema sa pananakit ng kanilang asawa?

A: Ang aksyon sa ilalim ng batas upang maiwasan ang gulo ng mag-asawa at ma-protektuhan ang biktima ayon sa (Anti-DV Law), kung may pisikal na karahasan mula sa isang asawa batay sa DV Prevention Act kung mayroong isang pag-uugali o pananalita na nagdudulot na may masamang epekto sa isipan at katawan, mag-report, mag-konsulta, upang ma-proteksyunan at ma-suportahan agad ang biktima. Kahit isa kaman dayuhang na biktima, may karapatan ka sa batas nila. Bukod sa ikinasal, ang mag-relasyon na asawa na may kasong DV ay pareho din ang turing ng batas sa kanila “Common-law marriage” ang tawag dito.

Sakop din ng batas na ito ang mga kaso kung saan nagpapatuloy pa rin ang karahasan pagkatapos ng diborsyo o pagwawakas ng common-law na relasyon. Para maprotektahan ang buhay at pananakit sa biktima, mula sa panganib, puwedeng humiling ang biktima sa korte na pagbawalan na huwag lumapit ang asawang nananakit o puwedeng paalisin sa bahay sa pamamagitan ng pag-sagawa ng batas ito ay (Utos ng proteksyon).

Kung may problema kayo sa DV, mayroong mapagkokonsultahan. Maaaring kumunsulta sa pulis. Mayroon din Sa Consultation Center para sa Kababaihan ng Prepektura ng Osaka, tumatanggap din dito ng konsultasyon sa wikang banyaga sa tulong ng OFIX.

Q: Ini-stalk ako ng kasamahan ko sa trabaho. Saan ako pwedeng kumunsulta?

A: Ang mga Stalkers ay uri ng mga taong Hopeless Romantic. Sila yung mga taong masaya na sa tuwing marami silang nalalaman tungkol sa kanilang napupusuan o Crush. Masaya na na sila kahit pasunod sunod lang sila ng tingin kay Crush. Kahit sa pang iistalk nila, nalalaman nila kung sino ang gusto ni Crush. Ang pagsunod, pagsubaybay, pagkuha ng impormasyon kung saan kayo o ang mga taong malapit sa inyo ay naroon na sya na walang pahintulot para lang punan ang damdaming romantiko o punan sama ng loob dahil sa hindi matugunan ang damdamin ng Stalker, para makontrol ang ganitong gawain merong “Act on Regulation of Stalking” (Stalker Regulation Law) na naitatag.

Kung may nag-iistalk sa iyo at natatakot ka,makipag-ugnayan sa pulis. Sa kahilingan ng nagrereklamo, ang pulisya ay maaaring magbigay ng babala sa stalker para tumigil sa pag-istalk o gumawa ng mga administratibong hakbang tulad ng pagbibigay ng utos na itigil ang pag-istalk niya. Gamit ang Stalker Control Act at iba pang kaugnay na batas at regulasyon, maaaring arestuhin ang stalker para maiwasan ang pananakit nito o maaaring gumawa ng hakbang para bigyan ng proteksiyon ang biktima.

Sa Consultation Center para sa Kababaihan ng Prepektura ng Osaka, tumtanggap din sila ng konsultasyon tungkol sa stalker.

Edukasyon

Q: Ang anak ko na nasa Grade 5 ay dadating sa Japan at titira kasama ko. Ano ang mga mapagpipilian niyang paaralang mapapasukan?

A: Ang mapapagpilian para sa mga batang nanggagaling sa ibang bansa ay ang pampublikong paaralan, pampribadong paaralan, International School, at mga paaralan para sa dayuhan tulad ng “Minzoku Gakko”)

[ Paglipat sa Pampublikong Paaralan ]
Kung nais mo na pag-aralin ang iyong anak sa isang pampublikong paaralan, una, kailangan mong pumunta sa Education Department ng Board of Education ng munisipyo kung saan kayo nakarehistro para makipagkonsulta at kumuha ng “School Admission Guidance” at “Transfer Permit”. Pagkatapos noon, pumunta lamang sa eskwela sa araw na itinakda.

[ Paglipat sa Pribadong Paaralan ]
Kung nais mong itala ang iyong anak sa isang pampribadong paaralan, kailangan mong makipag usap sa paaralan na iyong napili dahil bawat paaralan ay may kani-kaniyang patakaran ng pagtanggap.

[ Paaralang Pandayuhan ]
Ang wikang Ingles at iba pang wika ang ginagamit sa pagtuturo. May korporasyon at mayroon ding hindi aprobado. Nakatala sila sa kategoriyang “iba’t ibang paaralan” at maraming klase. Kung nais mong ipasok ang inyong anak, kailangang makipag ugnayan sa bawat paaralan para malaman kung mayroon silang bakante para tumanggap ng bagong estudyante.

Q: Mayroong bang suporta ang estudyanteng dayuhan na hindi marunong mag-hapon at lilipat mula sa junior high school ng kanyang bansa sa isang junior high school sa Japan.

A: Pangkaraniwan sa mga junior high school sa Osaka, nagtuturo ang mga guro doon ng wikang hapon. Kung kinakailangan, nagpapadala ang eskwela ng interpreter o education supporter. Kung hindi rin marunong mag-hapon ang mga magulang, humihingi ang eskwela ng interpreter para sa mga parent-teacher meeting. Para sa detalye, magtanong sa isang guro ng eskwelang pinupuntahan ninyo. Mangyaring sumangguni sa HP na “Multilingual School Life Support Information”.

Q: Libre ang matrikula ng anak kong nag-aaral sa pampublikong elementarya ngunit may mga bayarin sa school supplies at hindi ko mabayaran.

A: Para sa mga magulang o guardian na may mga anak na nag-aaral sa elementary at junior high schools at may problema sa pag-aaral nila dahil sa pinansyal na kadahilanan, may School Expense Subsidy Program para makatanggap ng sapilitang edukasyon ang lahat ng mga batang estudyante. Ang mga gastusin sa materyales sa pagtuturo, aktibidad sa labas ng paaralan (extracurricular activities), school trip at school lunch ay sakop ng programa nito. May pamantayan sa kita para makatanggap nitong benepisyo. Maaaring sumangguni sa paaralan na pinapasukan ng inyong mga anak o sa Board of Education.

Q: Ang aming anak ay kararating lamang dito sa Japan at hindi siya makapagsalita ng wikang Hapon. Maari ba siyang pumasok sa pampublikong senior high school? Kailangan ba siyang kumuha exam na kinukuha rin ng batang Hapones?

A: May mga kailangang proseso para makapasok sa isang pampublikong senior high school. Para kumuha ng kursong pangkalahatan, bagaman at kailangan pa rin niyang kumuha ng eksamen na pareho sa kinukuha ng mga aplikanteng Hapones, ang prefektura ng Osaka ay nagbibigay ng konsiderasyon para sa mga estudyanteng dayuhang hindi magaling sa wikang Hapon. Binibigyan ng konsiderasyon mula sa paglipat sa Grade 1. Ang mga sumusunod na espesyal na konsiderasyon na binibigay:

  1. pagpapahaba ng oras ng eksamen
  2. ang pagdala ng diksyonaryo
  3. ang paglalagay ng “furigana” na katabi ang kanji

Para sa imporasyon sa edukasyon, tignan ang HP na “Multilingual School Life Support Information”. Mayroon ding guidance tungkol sa edukasyon na ginaganap ilang beses sa isang taon.

Kung hindi talaga marunong mag-hapon ang bata, pwede itong pag-aralin sa isang Japanese language school para matuto.

Q: Mayroon bang mga pampublikong “senior high school” sa Osaka na may slot para sa mga dayuhang bata?

A: Mayroong pampublikong paaralan sa Osaka na mayroong slot para sa mga batang Hapones na bumalik sa Japan pagkatapos magaral sa Tsina at mga dayuhang estudyante. Tumatanggap lamang sila ng mga lilipat mula Grade 4.

Para sa detalye, tignan ang HP ng Osaka Prefecture Board of Education.

Q: Meron bang scholarship?

A: Pumunta lang s HP ng Osaka Prefecture Board of Education para sa scholarships para sa unibersidad, short-term college o vocational college at para sa high school o espesyal na vocational school (high school). Posibleng mayroong ding scholarship ang eskwelang gusto ninyong pasukan.

Q: May pinsan akong gusting mag-aral sa isang unibersidad sa Japan. Ano ang dapat gawin?

A: Makikita ang impormasyon kung paano mag-aral sa Hapon sa iba’t-ibang wika sa HP ng Japan Student Services Organization.

Q: Gusto kong mag-aral ng wikang hapon at naghahanap ako ng nagtuturo sa malapit sa bahay.

A: Mayroong website na pwede mong gamitin para hanapin ang mga nagtuturo ng wikang hapon sa Osaka.

Q: Gusto kong pag-aralin ang anak ko sa isang eskwelang pang-dayuhan. Anu-anong eskwela ang mayroon?

A: Pakitignan ang HP ng Osaka Prefecture Board of Education.

Q: Pumasok ang anak ko sa international school mula elementary hanggang high school. Pwede ba siyang mag-aral sa isang unibersidad sa Hapon?

A: Ang karamihan ng international school ay hindi eskwelang pumapailalim sa School Education Law Article 1. Pumapasok ang karamihan sa kategoryang “miscellaneous schools”. Tignan ang HP ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology para sa mga eskwelang tanggap para tumuloy sa unibersidad.

Pang araw araw na buhay ng dayuhang estudyante

Q: Ako ay isang empleyado ng isang kompaniya. Kailangan ko bang mag-file ng Final Income Tax Return?

A: Kung mayroon kang ibang income na lalagpas ng 200.000 yen o kung ang isang taon na income mo ay lalampas ng 20 milyon, o may gastusin kang medikal na ibabawas, kailangan mong mag-file, may witholding ka man o wala.

Q: Gusto kong mag-file ng income tax return ko pero uuwi ako bago matapos ang taon. Anong dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon?

A: Ang nakatakdang panahon para mag-file ng income tax return ay mula Pebrero 16 hanggang Marso 15 ng bawat taon. Kung uuwi ka sa bansa mo bago nito at hindi ka makakapag-file, mag-assign ka ng tax administrator mo at ipa-file mo sa kanya. Kung hindi ka mag-aasign ng tax administrator mo, pumunta ka sa tax office ng maaga para mag-file ng tax return mo. Magtanong ka sa pinakamalapit na tax office.

Q: Papaanong binabayaran ang resident tax?

A: Ang lokal na resident tax ay binubuo ng “Prefectural resident tax” at “Municipal resident tax”. Kung “residente” rin ang dayuhan, kinokompyut ang buwis na babayaran niya depende kung saan siya nakatira sa araw ng Enero 1. Kung hindi residente, hindi kailangang magbayad ng buwis. Subalit kung ikaw ay nagpapatakbo ng negosyo o may ari-arian, magbabayad ka ng buwis na kinokolekta per capita. Para sa mga detalye, maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng munisipyo ng iyong tinitirahang lugar. Mayroon ding isang sistema kung saan ang mga empleyadong tumatanggap ng sahod ay pwede ring magbayad sa pamamaraan ng pagkaltas sa sahod. Ang kinaltas sa sahod ay babayaran ng kumpanya sa munisipyo ng iyong tinitirahan.

Q: Gusto kong magmaneho ng motorsiklo, pero wala akong lisensya para mag-motorsiklo sa bansa ko.

A: Kung kukuha ka ng bagong lisensya para sa sasakyang dalawa ang gulong, naiiba ang paraan sa pag-aplay depende sa klase ng sasakyan. Para sa detalye, tignan lang ang HP ng Pulisya ng Osaka (Wikang Hapon lamang).

Q: Hanggang kailan pwedeng gamitin ang international license?

A: Ang international license ay isang lisensya na ini-isyu ng mga bansang kasama sa Geneva Convention. Tignan lang ang HP ng Pulisya ng Osaka (Wikang Hapon lamang) para sa mga bansang pwedeng gamitin ang lisensyang ito.

[ Panahong pwedeng gamitin ]
Ang lisensya ay pwedeng gamitin sa loob ng isang taon mula sa araw na entry sa Japan. Subalit kapag ang dayuhang naninirahan sa Japan at rehistrado ay lumabas ng Japan at bumalik pagkatapos ng kumulang sa 3 buwan, hindi ito matatawag na entry (valid entry). Dahil dito, hindi masasabing ang araw na bumalik siya sa Japan ang simulang araw na pwedeng gamitin ang lisensya.

Q: Bumili ako ng lumang kotse. Anu-anong proseso ang kailangan?

A: Pagkatapos bumili ng lumang kotse kailangang palitan ang pangalan sa vehicle inspection sticker kung kaya’t isasagawa ang “transfer registration”. Magagawa ang aplikasyon sa Transport Bureau o Motor Vehicle Inspection and Registration Office sa lugar kung saan naninirahan ang bagong may-ari. Ang proseso ay mag-iiba depende kung ang lugar na tinitirahan ng dating may-ari at bagong may-ari ay pareho o hindi. Kung kotseng hindi lalaki ng 550cc, magtanong sa Light Motor Vehicle Inspection Organization.

Q: Ang binili kong appliance sa isang malaking appliance store ay may 1 taon na insurance. Nasira ito kahit pangkaraniwang ginamit ko lang. Nang ipinagawa ko, hiningan ako ng bayad. Anong dapat kong gawin?

A: Pwede kang mag-konsulta sa National Consumer Affairs Center of Japan sa siyudad kung saan ka nakatira. Walang marunong magsalita ng dayuhang wika, kung kaya’t dapat magsama ng kakilalang marunong mag-hapon. Ang National Consumer Affairs Center of Japan ay isang institusyong pampubliko na tumatanggap ng mga reklamo mula sa mga consumer tungkol sa serbisyo o produkto.

Q: Nais kong kumuha ng abogado para makapagdiborsiyo pero wala akong pambayad. Wala bang lugar na magbabayad muna para sa akin?

A: Kung family matters katulad ng diborsyo o civil na kaso, pwedeng gamitin ang “Civil Legal Aid System”. Isang sistema ito na pwedeng gamitin kung nahihirapan ka sa pera, sa pagkuha ng suporta sa husgado at sa paggawa ng mga dokumeto. Sa ilalim ng sistemang ito, makakakuha ng libreng konsultasyon, rekomendasyon sa mga abogado at notaryo, at pansamantalang babayaran ang mga gastos sa korte. Dahil ang tulong ay nauukol lamang sa mga taong may kaunting kakayahan, kailangan ng ebidensiya para magpapatibay na hindi sapat ang kita mo. Dahil dito maaari kang tumanggap ng tulong. Ang sistemang ito ay maaari ding gamitin ng mga legal na dayuhang naninirahan sa Japan. Sumangguni sa Japan Legal Support Center para sa detalye.

Q: Diskriminado ako dahil dayuhan ako. Gusto kong magkonsulta tungkol sa karapatang pantao ko.

A: Pwede kang makipagkonsulta sa dayuhang wika sa Human Rights Consultation Desk for Foreigners.

  • Osaka Legal Affairs Bureau:
    0570-090911 (Wikang Ingles, Wikang Intsik, Wikang Koreano, Wikang Filipino, Wikang Portuges, Wikang Vietnamese, Wikang Nepali, Wikang Espanyol, Wikang Indonesiya at Wikang Thai)
  • Osaka Bar Association:
    06-6364-6251 Tuwing ika-2 at ika-4 na Biyernes ng bawa’t buwan mula 12 p.m. hanggang 5 p.m. (Wikang Ingles, Wikang Intsik at Wikang Koreano)

Q: Nagtapos ako sa isang unibersidad sa Japan, pero para dalhin ko ang graduation certificate sa aking bansa, kailangan ko itong ipa-authenticate. Saan pwedeng magpa-authenticate?

A: Tignan ang Ministry of Foreign Affairs HP para malaman ang paraan magpa-authenticate.

Pagpapabahay

Q: Pagkatapos magdiborsyo, nagpasya kami ng anak ko na tumira sa Japan. Napakamahal ng upa ng pribadong pabahay na inuupahan namin at hindi na kayang bayaran, kaya gusto kong mag-aplay sa pabahay ng prepektura (fuei jutaku).

A: Ang pabahay ng prepektura ay paupahang bahay para sa mga pamilyang mababa ang kita at nahihirapang maghanap ng tirahan. Ang mga dayuhang nakapagparehistro na sa munisipyo ay maaaring mag-aplay kung matugunan ang mga kondisyon. Ang aplikasyon para sa mga single-parent na pamilya ay magkaiba sa aplikasyon para sa mga karaniwang sambahayan. Ang mga pamilya na hindi lumalampas sa limitasyon ang kita at nakatira o may nagtatrabaho sa Prepektura ng Osaka ay kwalipikadong mag-aplay dito.
Sa kaso ng single-parent na pamilya, maaaring mag-aplay para sa kategoryang “Welfare Household” kung tutugma ka sa isa sa mga sumusunod na kondisyon mula (1) hanggang (5) at may inaalagaang bata na wala pang 20 taong gulang sa huling araw ng panahon ng aplikasyon.

  1. Ang taong naging nanay o tatay nang hindi dumaan sa pagkamatay, diborsyo o kasal
  2. Ang taong hindi nakakaalam ng kalagayan ng asawa (kung buhay o patay) nang 1 taon o higit pa (may isinumiteng Missing Person’s Report sa pulisya)
  3. Ang taong inabandona ng kaniyang asawa nang 1 taon o higit pa (nakahiwalay sa asawa base sa sertipiko ng paninirahan (juminhyo) nang 1 taon o higit pa)
  4. Ang sambahayan na nasa parehong kalagayan ng single-female-parent na pamilya (nasira na ang relasyon ng mag-asawa dahil sa karahasan ng asawa at iba pa)
  5. Ang taong hindi nakakatanggap ng suporta ng asawa dahil nakatira siya sa ibang bansa at iba pa

Para sa mga detalye, puntahan ang website ng Pabahay ng Prepektura ng Osaka.

Q: Pumunta kaming mag-asawa dito sa Japan. Pareho kaming nagtra-trabaho kaya medyo may kita kami kaya hindi kami pwedeng umupa ng tirahang pinamamahalaan ng prepektura. Meron bang iba pang public housing?

A: Ang tirahan na pinamamahalaan ng prepektura ay para sa mga maliliit ang sweldo lamang. Para naman sa medyo may kaya,ito ang mga public housing na pwedeng upahan.

[ Paupahan ng Pampublikong Korporasyon ]
Ang mga tirahang ito ay pag-aari ng isang pampublikong korporasyon.Kailangang rehistradong residente at ang sweldo ay tugma sa kondisyon.
(Aplikasyon) Pampublikong Korporasyon ng mga Tirahan sa Prepekturang Osaka

[ Suzsidized na Paupahan ng Osaka ]
Ang subsidized na paupahan ay tirahan para sa isang taong nangangailangan ngtirahan at tugma ang kaniyang sweldo sa kondisyon. Ang parte ng upa nito ay pinapasan ng Osaka para mabawasanang babayaran ng mangungupa. Ang kwalipikasyon ay may kasamang pamilya na titira, umaabot ang sweldo saitinakdang halaga. Kahit na ang dayuhan, kung rehistradong residente ito at may kwalipikado ito, pwede rinsiyang mag-aplay.
(Aplikasyon) PampublikongKorporasyon ng mga Tirahan sa Prepektura ng Osaka

[ Urban Renaissance Agency ]
Mga bahay na pinamamahalaan ng Urban Renaissance Agency (UR). May bahay na pang-isangtao at may pampamilya rin. Ang dating “Housing Corporation Rental Apartments” ay tinatawag na ngayong “UR RentalApartments”. May mga tirahan para sa pang-isang tao at pampamilya. Unahan sa pag-aplay at hindi na kailangan ngguarantor. May income standard.
(Aplikasyon) UrbanRenaissance Agency

Q: Naghahanap ng matitirhan ang isang international student. Anu-ano ang mapapagpilian?

A: Para sa tirahan ng international students, mayroong mga ganito.

[ Dormitoryo ng mga International Student ]

May dormitoryo din ang bawat unibersidad. Magtanong sa Student Affairs ng unibersidad.

[ Public Housing ]

Kung buong pamilya kayong pumunta sa Japan at walang problema sa mga kinakailangan para makapasok, pwede kayong mag-aplay ng tirahan na pinamamahalaan ng prepektura o siyudad.

Q: Gusto kong lumipat sa isang pribadong paupahang bahay. Narinig ko na may mga may-ari na ayaw magpaupa sa mga dayuhan. May paraan ba para makahanap ng bahay na puwede ang dayuhan?

A: Mayroong “Osaka Safe and Secure Rental Housing Registration System” sa Prepektura ng Osaka. Nakarehistro sa Prepektura ng Osaka ang mga pribadong paupahang bahay na may tiyak na kalidad at hindi tatanggihan ang mga taong nangangailangan ng pag-iintindi tulad ng mga dayuhan. Makikita ninyo ang impormasyon ng mga nakarehistrong bahay gamit ang “Safe and Secure Rental Housing Search System” o “Safety Net Housing Information Provision System”.

Maaari din kayong kumunsulta sa mga real estate agency na nakalista sa homepage ng Japan Rental Housing Management Association na may mga empleyadong nakakapagsalita ng wikang banyaga.

Kung hindi pa rin kayo makahanap ng matitirhan, magtanong sa Prepektura ng Osaka sa tulong ng Osaka Foundation of International Exchange. (Maituturo namin sa inyo ang mga “Korporasyong Sumusuporta sa Paninirahan” na tumutulong sa mga dayuhan para makahanap ng tirahan.)
Ang “Korporasyong Sumusuporta sa Paninirahan” ay organisasyon na nagbibigay ng impormasyon at konsultasyon tungkol sa paglipat sa isang pribadong paupahang bahay para sa mga taong nangangailangan ng pag-iintindi sa paghahanap ng matitirhan tulad ng mga dayuhan.

Q: Pipirma na ako ng kontrata para sa pribadong paupahang bahay, pero bukod sa upa, hinihingan din ako ng utility fee, key money, deposit at bayad sa broker. Normal ba ito sa Japan?

A: Pangkaraniwan, kapag mangungupahan sa Japan, may mga kagawian sa negosyo na kailangang bayaran at sinasabing mas mahal ang bayad kumpara sa ibang bansa, lalo na kapag bagong makikipag-kontrata or mag-e-extend ng kontrata. Ang mga dagdag na bayarin ay ang mga sumusunod. Pakinggan nang mabuti ang paliwanag tungkol mga bayaring ito para maiwasan ang pagkakamali at di pagkakaintindihan.

[ Utility fee (Management fee) ]
Ito ay bayad sa kuryente, pagpapalinis at inspeksyon ng pasilidad ng building na gamit ng lahat ng nakatira. Pangkaraniwang bukod ito sa upa. Sa ibang bansa, may kasong kasama ito sa upa na binabayaran.

[ Key money ]
Ito ang binabayad sa may-ari ng bahay kapag makikipag-kontrata. Karaniwan ito sa Kanto area at nagkakahalaga ng mga 1-2 buwan ng upa. Ngayon, may mga paupa na wala nang key money.

[ Bayad sa Broker ]
Bayad ito sa real estate agent at hindi ito lalampas ng 1 buwan ng upa. Hindi mo na makukuha ang perang ito.

[ Deposit (security money) ]
Ito ang perang ibinabayad para paghahanda sa di pagbayad mo ng upa o pagpapaayos ng kuwarto sa pag-alis mo. Mga 1-2 buwan ng upa ito. Kapag aalis ka na, titignan kung may ibabawas sa deposito at ang matitira ay isasauli sa iyo. May kaso na isang parte ng deposito ay hindi na isasauli bilang “amortisasyon”.

[ Renewal fee ]
Binabayda ito ng mangungupa sa may-ari kapag mag-re-renew ng kontrata. Nakasulat ito sa “Special Clause” (mga napagkasunduan ng lahat ng partido). Kalimitan, ang termino ng kontrata ay 2 taon. Hindi na babalik ang binayad mo.

*May kaso rin na pinapagbayad ang nangungupahan ng fire insurance at lease deposit.

Q: Sinabihan akong maghanap ng guarantor para sa pakikpag-kontrata. Wala akong puwedeng pakiusapang maging guarantor dito sa Japan. Paano ako makakahanap nito?

A: Dumarami na ngayon ang gumamit ng rent guarantor company kapalit ng guarantor. Mayroon ding mga paupahan na talagang kailangan ang paggamit ng ganitong kumpanya na nagga-garantiya ng upa. Kapag dumating ang oras na hindi makapagbayad ang nangungupa dahil sa anumang rason, ang magbabayad ng upa sa may-ari ay ang rent guarantor company. Kung gagamit ng kumpanyang ito, kailangan nga mangungupahan na magbayad ng insurance fee. Ang 1 taon na insurance fee ay kalahati hanggang 1 buwan na upa para sa unang taon at mga 10k – 20k mula sa pangalawang taon.

Q: Anu-ano ang mga dapat kong alalahanin kapag nakatira na ako?

A: Ang mga alituntunin sa pagtapon ng basura at ingay. Ang mga alituntunin sa pagtapon ng basura ay iba-iba depende sa tinitirhang lugar. Bukod sa kinakailangan mong ihiwalay ang basura ayon sa uri ng basura, iba-iba ang araw ng pagtapon ng basura depende sa uri nito. May mga lugar na makakauha ng pamphlet ng alituntunin sa pagtapon ng basura na nakasulat sa banyagang wika. Kung kaya’t tignan ito at maghanda.

Sa mga Japanese apartment complex, kalimitan ay madaling marinig ang ingay ng katabi, taas at baba na apartment, lalo na sa gabi at madaling araw. Bukod sa malaking party o pagtugtog ng instrumentong pangmusika, kasama rin ang pag-uusap nang malakas na boses ang panimula ng pag-aaway ng magkapit-bahay.

Q: Nasira ang aircon na kasama ng tirahan. Sino ang magbabayad ng pagpapaayos nito?

A: Depende ito kung ang aircon ay nilagay ng may-ari o iniwan lang nga dating nakatira. Nakalagay sa “disclosure statement” kung anu-anong kagamitan ang talagang kasama ng tirahan. Kung may masirang kagamitan na talagang kasama ng tirahan, huwag ayusin agad ito. Kontakin muna ang may-ari o manager at sumunod sa sasabihin nito. May mga sitwasyon na puwede mong ipagawa agad ang kagamitan, tulad ng hindi pag-ayos nito ng may-ari o kinakailangang itong ipagawa kaagad. Kung ang rason ng pagkasira ay dahil sa pagpapabaya mo, maaari kang pagbayarin. Kung nasira ang gamit na iniwan ng huling nakatira, ang ikaw ang magbabayad ng pagpapagawa nito.

Q: Aalis na ako mula sa tinitirhan kong apartment. Nagkabutas ang dingding at hinihingan ako ng may-ari ng pera bukod sa deposit para ipaayos ito. Anong gagawin ko?

A: Kapag aalis ka sa isang tirahan, mayroong “obligasyong ibalik sa dating anyo” ang tirahan. Kung may sira o dumi na sadya o resulta sa pagwalang bahala ng nakatira, kailangang bayaran ng nangungupahan ang pagpapaayos nito. Kung nagbayad ka ng deposit, dapat kukunin ang bayad mula nito. Kinakailangan din ng nangungupahan na itapon ang lahat ng mga gamit na hindi na niya kailangan bago umalis. Kung ang sira o dumi ay dahil sa natural ng paggamit at pagkaluma, hindi ito responsibilidad ng nangungupa. Ang Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism ay naglalabas ng “Guideline and Problems in Restoration” (Wikang Hapon lamang) na pwede mong gamiting reference.

Pwede ka ring magkonsulta sa Lawyer’s Association ng inyong munisipalidad para maliwanagan mo kung legal na kinatatayuan mo at humingi ng tulong mula sa summary court na maging mediator sa usapan. Puwede mo ring gamitin ang Alternative Dispute Resolution (ADR) para makipag-ayos.

Q: Kung mayroon akong iba pang mga katanungan tungkol sa aking tahanan, saan ako maaaring makipag-usap?

A: Bukod sa mga tanong sa itaas, sinasagot rin ng Osaka Prefectural Housing Consultation Office ang iba pang katanungan tungkol sa pamamahay. Libre and konsultasyon. Tumatanggap rin ito ng konsultasyon sa mga dayuhan sa tulong ng OFIX.

Tel: 06-6944-826
*Puwede ring tumawag ang mga dayuhan ng deretso sa OFIX sa 06-6941-2297
Address: Osaka Prefectural Government Annex 1F, 3-2-12 Otemae, Chuo-ku, Osaka
Office hours: 9:00 – 12:00, 13:00 – 17:30
Weekdays lamang (puwera ang mga national holiday, katapusan ng taon at Bagong taon)