★Direksyon


○ Nasa MyDome Osaka ang Osaka Information Service para sa mga Dayuhang Naninirahan sa Osaka(OIS).
Address: 5th Floor, MyDome Osaka, 2-5 Hommachibashi, Chuo-ku, Osaka
Osaka Foundation of International Exchange
Telepono:06-6941-2297 
○ Ang Istasyon ng tren na malapit sa MyDome Osaka.
3 istasyon ng tren ang malapit sa MyDome Osaka.
① Sakaisuji-Hommachi Station ② Tanimachi4-chome Station ③ Temmabashi Station


① Sa mga gagamit ng Sakaisuji Line o Chuo Line 

    Bumaba kayo sa Sakaisuji-Hommachi Station (600 m. 10 min. lakad)
    Lumabas sa Exit 12 ng Sakaisuji-Hommachi Station.
    Pagkalabaas ng Exit 12, may makikita kayong Starbucks. Deretsuhin lang ang daan na nasa kanan ng
    Starbucks. Pagkalampas ng tulay, may makikita kayong hotel sa kaliwa. Lampasan ang hotel at
    kumaliwa sa susunod na traffic light (intersection). Maglakad ulit hanggang sa susunod na traffic light
    (interseksyon) at makikita mo ang MyDome Osaka sa kaliwa. Katabi ng MyDome Osaka ang Osaka
    Chamber of Commerce building.


② Sa gagamit ng Tanimachi Line

    Bumaba sa Tanimachi4-chome station. (600 m. 10 min. lakad)
    Lumabas sa Exit 4.
    Pagkalabas ng Exit 4, dumeretso lamang. Kumanan sa unang kanto.
    Kumaliwa sa pangalawang kanto at dumeretso hanggang dulo at tumawid ng kalye. May dalawang
    building sa harap mo. Ang MyDome Osaka ang nasa kanan, ang katabi niya sa kaliwa ay ang Osaka
    Chamber of Commerce.


③ Sa gagamit ng Keihan line

    Bumaba sa Temmabashi station. (1 km 15 min. lakad)
    Lumabas sa West Exit ng Temmabashi station at sundan lang ang daan.
    Lalabas ka sa malaking kalye kung saan ka kakanan (tumawid muna).
    Dumeretso hanggang sa umabot sa isang post office (sa intersekyon) sa kaliwa mo.
    Kumaliwa ka doon at dumerederetso. Makikita mo ang Familymart (nasa kanan) at ang building
    pagkatapos noon ang MyDome Osaka.


    ○ Sa mga gagamit ng kotse

        1 min. mula sa Hanshin Highway No. 1 Loop Line Hommachi Exit
        Maraming one way kaya mag-ingat.
        May bayad ang parking.


        http://mydome.jp/access/car.html